Friday, January 25, 2008

KAIBIGAN......


Sa buhay kong laging nag-iisa sadyang lungkot,
inis ang laging bumabalot sa tuwina...

Sa buhay kong ganito di maiwasan magtanong,
manumbat sa sarili, ni minsan di mabigyan ng
tamang kasagutan...

Sa buhay kong pilit tumatago sa katotohanan,
pakiwari ko ako'y isang duwag na kawal...

Sa buhay kong to, tanging isang tapat na kaibigan
ang kailangan, awa ng Dios aking natagpuan...

Pag sad k, frightened, unsure, happy, joyful whatever
im by ur side. Tong mga katagang to ang nagbigay muli
sa akin ng umaapaw na kaligayahan na ni minsan
di ko pa natatangap nino man. Halos maiyak ako sa
kagalakan at tuwa. Salamat sa iyo KAIBIGAN tunay
kang hulog ng langit...

Seasoned man, kung iyong paniwala, para sa akin walang
kasing wagas at tapat mong ginampanan ang salitang
KAIBIGAN. At itoy panghabangbuhay kong aalagaan,
kahit akoy limot mo na. Magpapatuloy ako sa aking dasal
para sa iyong tagumpay at kapakan

Salamat! ang laging katagang katapat sa iyong pagmamalasakit,
pagpapatawa,at pagmamahal bilang isang kaibigan.
Sa wakas ika'y natagpuan at naging bahagi nang aking buhay, SALAMAT!




january 19,2008














1 comment:

innova creation said...

I am your friend. and i thank yo for this very nice piece you produced. Out of your deep emotion blended with gratefulness issue words of praises. I'm your friend and i wont let you down. Will always care, will always support, will always pray, will always do for your best. Just keep on.